Nasa isang pagtitipon ako kasama ang pamilya ko at masaya ang lahat. Bigla ay nakita ko na nagkakagulo na ang lahat at nagtatakbuhan na ang mga tao.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na nagtatago sa ilallim ng lamesa ng isang patahian ng damit. Me katabi rin akong isang lalaki na hindi ko kilala. Maya-maya pa ay meron nagdatingan na mga sundalo kasama ang lider nila. Una ay tila lalagpasan nila ang tindahan kung saan ako nagtatago subalit maya-maya pa ay pumasok na sila sa tindahan kung nasaan kami.
Ang pangalan ng lider nila ay Col. Querubin Wasli. Mabagsik ang pananalita niya at dama mo ang galit niya. Marami siyang sinasabi subalit hindi ko maintindihan at hindi ko rin marinig dahil sa takot na baka makita ako.
Bigla ay itinuro ni Col. Wasli ang paa ko at nakita ko na inilabas ng tauhan niya ang isang mahabang itak. Idinikit sa paa ko ang talim ng itak at akmang tatagain. Hindi na ako halos makahinga sa takot at maya-maya pa ay inilabas nila ako sa pinagtataguan ko.
Desidido na talagang ipapatay ako ni Col. Wasli nang bigla ay nagkagulo sa labas ng tindahan. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon upang muling magtago sa ibang dako ng tindahan. Nakita ako ng may ari ng tindahan at dahan dahan biya akong nilapitan at pinagtatakpan ng mga tela at damit na nagkalat doon. Dahan dahan kong inilabas ang 2 kong cellphone at ini-off ko ang mga ito dahil baka biglang tumunog ang mga ito.
Muli ay nakita ko na meron silang hawak na isang lalaki. Laking gulat ko dahil iyon ang katabi ko sa ilalim ng lamesa. Narinig ko na lamang na kaya pala galit na galit si Col. Wasli ay dahil niloko sa negosyo ng lalaking iyon ang kaibigan niya. Maya-maya pa ay inilabas na ng tindahan ang lalaking iyon ngunit bago lumabas ay lumapit sa kinaroroonan ko ang isang tauhan ni Col. Wasli at tinapik ako at sinabing kung hindi nahuli ang lalaking iyon ay totoong papatayin nila ako.
Sumunod ay nakita ko na lamang na me mga kasama ako at masayang naglalakad. Kakain daw kami ngunit wala naman akong dalang pera. Nagbago ang isip ko at sinabi ko na susunduin ko muna ang nanay ko (matagal na itong namayapa) dahil naaawa ako at palagi na lamang siyang naiiwan na mag-isa sa bahay.
Saglit akong nagising at nakita ko na maliwanag na ngunit dahil sa antok ko ay minabuti kong ipagpatuloy ang pagtulog ko. Bago pa ako makatulog ay inisip ko na sana ay managinip ako ng mga numero na maaari kong itaya sa lotto. Nanaginip akong muli at nakita ko ang mga numerong 480675.
Mga Panaginip At Iba Pa
Nais kong makita ang kaugnayan ng panaginip kung saan, paano at kailan nagaganap ang mga iba't-ibang serye nito sa mga pangyayari sa buhay ko. Wala itong kaugnayan sa kaninuman at isinasalaysay ko lamang ito ng ayon sa aking pananda sa araw ng pangyayari. Kung nais ninyong masubukan na mabigyan ng kahulugan ang inyong panaginip ay gamitin lang ninyo ang comment portion at pagtulungan natin na mabigyan ng karampatang kahulugan at kalayaan ito.
Tuesday, September 16, 2008
Saturday, August 9, 2008
Nasa bahay ako ng hipag kong si Rizza at ang asawa niyang si Chester. Maganda ang bahay nila at ako ay naglalakad-lakad sa palibot ng bahay nila. May namataan akong halaman na Gumamela at nilapitan ko ito.
Nakakita ako ng dalawang piraso ng bubot na bulaklak nito at pinitas ko. Sinipsip ko ang katas na nasa ilalim nito gaya ng nakagawian ko noong bata pa ako kasama ang mga kalaro ko.
Habang hawak ko pa ang bubot na Gumamela ay lumapit sa akin si Chester at tinanong kung ano ang hawak ko. Pinakita ko sa kanya at sinabi niya na tiyak na magagalit si Rizza pag nalaman niya na pinitas ko ang bulaklak. Lumapit nga si Rizza at galit na galit na sinabihan ako patungkol sa pagkakapitas ko ng bulaklak.

Monday, June 16, 2008
Galing ako sa trabaho at kasama kong naglalakad ang isang security guard na kilala ko subalit hindi ko alam ang pangalan. Sumakay kami sa isang jeep kung saan kaming dalawa lamang ang pasahero. Pagdating namin sa aming paroroonan ay naunang bumaba ang security guard. Kasunod akong pababa na ng estribo at me nakita akong limang pisong papel na nakaipit sa gawing dulo ng bubungan ng jeep.
Alam kong bayad na ang aming pamasahe subalit kinuha ko ang pera kahit na alam kong nakikita ako ng driver. Sa puntong iyon ay dama ko na meron nagsasabi sa akin na sa akin ang perang iyon.
Pagbaba ko ng jeep ay patuloy kaming naglakad ng guard kung saan nagtanong siya sa isang tao kung saan ang sakayan papuntang San Juan. Ako ang sumagot sa kaniya kung saan malapit lang ang sakayan sa aming kinatatayuan.
Nagsimula kaming magpunta sa istasyon ng jeep at sa puntong iyon ay nagsubo ako ng chewing gum sa bibig ko at sinimulan kong nguyain. Alam ko na ang pupuntahan namin na sakayan ng jeep ay pabalik sa lugar ng pinagtatrabahuan ko pero parang bale wala lang sa akin.
Sinabi ko rin sa guard na ngayon ay kilala ko na ang pangalan na si Syd na kukunin ko na lang ang sasakyan kong Expedition na malapit lang din sa istasyong ng jeep upang magamit na lang namin.
Sa puntong iyon ay naramdaman ko na meron akong nanguya na bahagyang matigas sa chewing gum kung kaya iniluwa ko ang gum. Laking gulat ko ng makita ko na nakagat ko ang malaking itlog ng ipis at tumambad sa akin ang nakakadiring itsura ng loob nito. Bahagyang nalasahan ko ito kung kayat dinukot ko ang ibang gum na naiwan.
Habang nangyayari ito ay nakikita ko rin na namimilipit sa sakit ang guard na kasama ko. Sa pakiwari ko ay sumasakit ang appendix niya. Hindi ko siya matulungan kahit na gusto ko dahil sa minamadali kong tanggalin ang chewing gum sa loob ng bibig ko.
Hindi ko pa natatanggal lahat ng gum dahil ang iba ay nakadikit sa ipin ko nang makita ko na meron ipis na gumagapang sa kamay ko. Pakiwari ko ay galing sa bunganga ko ang ipis na iyon. Agad kong pinagpag ang kamay ko upang maitapon ang ipis na iyon.

Labels:
appendix,
bangungot,
cockroach,
compromise,
dreams,
interpretation,
ipis,
lucid,
meaning,
nightmare,
panaginip,
sick
Thursday, June 12, 2008
Masaya ako dahil mag ii-scuba dive na naman kaming muli ng aking pamilya na sina Mellie, Karl and Jan. Nakapag dive naman kami at habang nagpapahinga at masayang nagkukuwentuhan ay sinabi ni Karl na pupuntahan niya muna ang PAG-IBIG office kahit na naka dive gear pa siya.
Sunday, June 1, 2008
Nasa isang kuwarto kami ng asawa kong si Mellie at nagkukuwentuhan. Bigla na lamang sumulpot si Adelfa na 25 years ng laundrywoman ng mother ni Mellie. Nakangiti siya sa amin at me dalang isang buong watermelon na nakapatong sa isang plato. Bahagya akong nagulat dahil dati ko nang alam na patay na si Adelfa at nagtataka ako kung bakit naroroon siya.
Labels:
bangungot,
death,
dream catcher,
dreams,
ghost,
interpretation,
lucid,
meaning,
multo,
nightmare,
panaginip,
patay
Subscribe to:
Posts (Atom)