Mayroon isang family reunion ang mga Ku clan kung saan kabilang ako sa mga dumalo. Ginanap ito sa isang malayong kabundukan sa Baguio at napakaganda naman talaga ng lugar.
Tahimik, malamig at maaliwalas ang lugar. Regular na reunion ang aking nakita kung saan nagkakatipon-tipon ang mga family members maliban sa paisa-isang taong nakikita ko na very unusual ang hitsura.
Napaka-aamo ang mukha ng mga paisa-isang mga taong ito. Matatangos ang mga ilong, maganda ang mga mata at talagang sobra-sobra ang kagandahan at kagwapuhan ng mga ito. Hindi ako mapakali at nausisa ko ang tungkol sa kanila.
Sila pala ang may-ari ng lugar na iyon at sila pala ay ubod ng yaman. Katunayan ay sila pala ang tunay na may-ari ng Araneta Coliseum. Hindi mo daw masusukat ang kanilang kayamanan nguni’t sa kabila noon ay makikita at mararamdaman mo ang kanilang pagiging mapagkumbaba.
Wala silang mga katulong at sila lang ang naghahanda at nagsisilbi sa mga pangangailangan ng lahat doon.
Ang isa pang kaibahan nila ay mga pandak sila at ang tawag daw sa kanila ay mga NEONONDERTHAL. Lalong laking gulat ko ng matuklasan ko rin na sila pala ay kabilang sa mga Ku clan.
Inilibot nila kami sa lugar na iyon hanggang umabot kami sa kanilang mga bahay. Dito ay nalaman ko na hindi namin pwedeng pasukin ang kanilang bahay sapagka’t ito ay bawal na bawal.
Mistulang mga bahay na may bintana ang mga ito nguni’t ang mga ito ay nakapaloob sa bato or nakaukit ang mga ito.
Nakita ko na lamang na pababa na kami ng daan nguni’t damang-dama ko na gusto kong bumalik at maiwan na sa lugar na iyon dahil sa nakita at naramdaman kong kapayapaan at kaligayahan.
[Pagkagising ko ay tinignan ko sa dictionary ang kahulugan ng NEONONDERTHAL at ito ang aking nasaliksik. Walang ganoon na salita kung kaya’t pinaghati-hati ko ito sa mga sumusunod:
NEO - 1. new, modern
2. new form of (Greek neos new)
NON - prefix giving the negative sense of words with which it is
combined.
not, reverse of, absence of ( Latin non not )
DEARTH - scarcity, lack
Kung pagtutugma-tugmain ko ang mga salitang nakalap ko ay lumalabas na ang kahulugan ng NEONONDERTHAL bagama’t ang mas angkop na spelling ay NEONONDEARTHAL ay - Ang bagong panahon na wala ng pangangailangan.]
Nais kong makita ang kaugnayan ng panaginip kung saan, paano at kailan nagaganap ang mga iba't-ibang serye nito sa mga pangyayari sa buhay ko. Wala itong kaugnayan sa kaninuman at isinasalaysay ko lamang ito ng ayon sa aking pananda sa araw ng pangyayari. Kung nais ninyong masubukan na mabigyan ng kahulugan ang inyong panaginip ay gamitin lang ninyo ang comment portion at pagtulungan natin na mabigyan ng karampatang kahulugan at kalayaan ito.
Wednesday, September 17, 2003
Labels:
bangungot,
bliss,
dream catcher,
dreams,
ecstasy,
eden,
heaven,
interpretation,
meaning,
nightmare,
nirvana,
panaginip,
shangri-la,
utopia
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment