Tuesday, January 13, 2004

May nag-invite sa aming lahat sa isang resort at nalaman ko na lamang na si Henry Furigay iyon na kaibigan ko. Pagdating namin sa resort ay tinanong ko sa mga tauhan doon kung saan ako magpa-park at kung saan kami lulugar.

May sinabi silang level ngunit parang asiwa sila na duon ako magpark. Nalaman ko na bale 5th level lamang ang napuntahan ko kaya’t tinanong ko ang isang tauhan doon kung saan mas maganda.

Atubili siyang sagutin ako at nagbubulungan sila na mga tauhan doon dahil sa pakiwari ko ay may sorpresang nakahanda para sa amin. Sinabi niyang sa 13th level pinakamagandang mag-stay.

Pagpasok namin ay nabungaran ko agad ang isang napakagandang tanawin kung saan kami ay nasa ibabaw ng bundok at nakatingin sa ibaba at kitang-kita ang buong kapaligiran ng mga bundok na ang katabi ay beach.

Nabungaran ko din ang isang napakagandang swimming pool na kakaiba sa lahat. Napakalinaw nito kung kaya’t naligo ako agad. Malalim ito pero hindi ako natakot tumalon. Napakasarap ng aking pakiramdam dahil hindi ordinary na tubig ang laman ng pool kundi parang ‘gel’ ito. Para rin itong ‘trampoline’ kung wawariin ko.

Lumulubog ako pag-talon ko nguni’t dahil para itong gel ay malaya akong nakaba-balik sa lugar kung saan ako naka-upo. Parang may shock-absorber ang pool na ito. Nakaka-sisid din ako sa super lambot na tubig na parang gel. Iba’t-ibang mga style ang nagagawa ko at ako lamang ang nakakagawa nito.

Bilib ang lahat ng mga taong naroroon. Marami rin mga foreigners ang nandoon. Isa sa mga nagagawa ko ang labis na hinahangaan ay ang mataas na patalbog-talbog na gawa ko sa tubig papuntang kisame.

Pag-abot ko sa kisame ay kaya kong manatili doon ng matagal. Pagbagsak ko pabalik sa pool ay binigyan ako ng maluwag na space upang wala akong matamaan. Talagang napaka-sarap ng pakiramdam ko sa pool na iyon.

Mayamaya pa ay kasama ko na si mama Lucy at sweet na sweet kaming nag-uusap. Magkadikit pa ang aming mga mukha habang nag-uusap. Sinasabi ko sa kanya na pasensya na at ngayon ko lang sila nadala sa lugar na iyon dahil sa kakulangan ng budget.

Masayang-masaya rin si mama sa lugar na iyon. Naroon din si Bong na bayaw ko at atubili silang maligo kung kaya’t ipinakita ko pa sa kanila ulit ang paraan ng pag-swimming doon.

Hinanap ko si Mellie na asawa ko at nakita ko siyang nakaupo sa may gilid ng isang bukas na pintuan kasama ang ibang mga guest na nanonood ng view ng dagat. Super ganda ng tanawin at napakahirap i-describe. Kahit malayo ka ay kita mo ang linaw ng tubig.

May mga nakaparada doon ng mga yacht. Isa doon ay kulay red na kotseng Mercedes Benz na parang rubber boat. Nadala ito ng alon pero agad din itong namaniobra ng driver.

Habang naka-upo kami ay may dumaan na barko na parang pirate ship. Mabilis ang pag-daan nito at may nakasulat sa gilid nito na ‘extra big wave’. Pagka-daan nito ay biglang may malaking alon na nabuo at bumagsak sa amin ngunit walang nangyari sa amin.

Napakasarap nga ng feeling sapagkat para kang biglang binuhusan ng sabay-sabay ng tubig na galing sa isang malaking lalagyan. Pagkaraan ng ilang sandali ay may nabasa akong nakasulat na may second wave

Maya-maya ay bumuhos na nga sa amin ang wave nguni’t katulad ng una ay walang nangyari sa amin kundi ang masarap na feeling lamang. Habang naka-upo kami ay kitang-kita namin ang isang pre-historic volcano na nasa ilalim ng tubig dahil na nga sa linaw ng tubig.

Itinuro ko iyon kay Karen na anak ko at sinabi ko na dapat naming lahat na ma-dive iyon. Ang hitsura nito ay parang sa pelikula na may mga katabing ilog at malawak na valleys and plains. Parang walang tubig na nakapalibot dito sa linaw nito.

Mayamaya ay binibigyan na lamang ako ni Mellie na asawa ko ng beer in can at pilit na pinaiinom. Noong una ay ayaw ko pero sa kapipilit niya ay ininom ko na rin.

Malapit sa dagat na ito ay isang lagoon naman na super din sa ganda. Makulay at punong-puno ng mga flowers, plants and trees ang paligid nito. Maraming nanonood dito sapagka’t may show na ginagawa sa ibabaw ng lagoon.

Parang ice ang ibabaw nito at may nagsa-sayaw ng mga maliliit na tao. Parang fairytale sa ganda ang lugar na ito. Mayamaya ay biglang may gumulong na parang nag-iiskate sa ibabaw ng lagoon na parang star.

May kasamang tunog ito na parang malakas na hangin na may music. Napa-iyak nga ang ibang mga bata sa gulat pero tumigil din agad ng biglang maging dancers on skates ang mga gumugulong na stars na ito.

Maraming mga dance activities at presentations na ginagawa sa lagoon na ito na parang sa pelikula mo lamang maaaring mapanood dahil sa super ganda ng activity at scenarios.

4 comments:

Anonymous said...

Nanaginip po ako na my kabit ang asawa ko at my mga itlog n nagkalat n nktago sa ibat ibang lugar o sulok at itlog nila yun nung babae at inaantay n mapisa anu po ang ibig sabihin non?

Anonymous said...

Nanaginip po ako na my kabit ang asawa ko at my mga itlog n nagkalat n nktago sa ibat ibang lugar o sulok at itlog nila yun nung babae at inaantay n mapisa anu po ang ibig sabihin non?

Kuntao said...
This comment has been removed by the author.
Kuntao said...

Ang itlog ay simbolo ng buhay. Kung ito ay may kulay, ibayong kasiglahan at masasayang kabanata ng buhay ang darating.

Maaari din na bunga ito ng iyong mga naging kilos at desisyon at pinapakita nito na dapat mong tanggapin ang resulta ng mga kilos mo. Kung napisa ang itlog at lumabas ang sisiw, mararating mo ang iyong mga hangarin sa buhay. Maaari din na pinapakita sa iyong panaginip na magkakaroon ng katuparan ang mga mithiin mo sa buhay.