Ako ay mayroong negosyo at bigla ay nakita ko si Korina Sanchez na isang kilala at batikang newscaster at commentator ng radyo at television na palapit sa akin. Inakbayan niya ako at pilit na hinila upang magpunta sa isang tila office. Atubili ako dahil hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng pagsama ko sa kanya.
Pagkabukas ng pinto ay nakita ko na maraming mga tao na kilala rin sa lipunan subalit hindi ko mawari kung sino-sino sila. Ipinakilala ako ni Korina sa kanila at kita ng mga naroroon na close kami sa isa’t-isa dahil nakakapit pa siya sa bewang ko.
Nahihiya ako dahil sa hindi naman ako kilala ng mga tao nguni’t hindi naging dahilan iyon upang pakawalan ako ni Korina. Sa isang pinagpakilanlan niya sa akin ay nakita ko na nagtititirik pa ang mga mata ng babaeng iyon na parang inis subalit hindi namin pinansin iyon.
Nais kong makita ang kaugnayan ng panaginip kung saan, paano at kailan nagaganap ang mga iba't-ibang serye nito sa mga pangyayari sa buhay ko. Wala itong kaugnayan sa kaninuman at isinasalaysay ko lamang ito ng ayon sa aking pananda sa araw ng pangyayari. Kung nais ninyong masubukan na mabigyan ng kahulugan ang inyong panaginip ay gamitin lang ninyo ang comment portion at pagtulungan natin na mabigyan ng karampatang kahulugan at kalayaan ito.
Monday, May 26, 2008
Labels:
bangungot,
bliss,
dream catcher,
dreams,
ecstasy,
eden,
interpretation,
korina sanchez,
lucid,
meaning,
nightmare,
nirvana,
panaginip,
shangri-la,
utopia
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment